Greece tinapos sa 3-1 ang kanilang laban ng Philippine team
MANILA, Philippines — Tuluyan nang pinatid ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas ang anumang pag-asa ng Pilipinas matapos patumbahin si Jeson Patrombon, 6-2, 6-1, para selyuhan ang dominasyon ng Greece sa kanilang World Group II Davis Cup tie kahapon sa Philippine Columbian Association Plaza Dilao courts sa Paco, Manila.
Nauna nang tinalo ng 21-anyos na si Tsitsipas si AJ Lim sa parehong iskor sa unang singles match noong Biyernes.
Tinalo naman ni Petros, ang nakakabatang kapatid ni Tsitsipas, si Patrombon, 6-2, 6-1, sa isa pang singles match.
“We’re looking forward to playing our next opponents,” pahayag ng 6-foot-4 na si Tsitsipas, nauna nang natalo kay Novak Djokovic sa finals ng Dubai Championship noong nakaraang linggo.
Hindi nablangko ang mga Pinoy netters matapos talunin nina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales sina Petros Tsitsipas at Markos Kalovelonis, 7-6 (5), 6-4, sa doubles.
- Latest