^

PM Sports

Lady Spikers nanalo sa laDy Eagles; Lady Maroons wagi sa Lady Warriors

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Lady Spikers nanalo sa laDy Eagles; Lady Maroons wagi sa Lady Warriors
Hinatawan ni Jho Maraguinot ng Ateneo si Leila Cruz ng La Salle.
PM photo ni Russell Palma

MANILA, Philippines — Magarbo ang panimulang palo ng De La Salle University Lady Spi­kers sa UAAP Season 82 women’s volleyball tournament matapos pabagsakin ang nagdedepensang Ate­­­neo Lady Eagles, 25-17, 17-25, 25-17, 25-15, ka­hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala si Tin Tiam­zon ng 17 points mula sa 14 attacks, 2 blocks at 1 ace, habang may 13 mar­kers si Jolina dela Cruz pa­ra sa Lady Spikers.

Nagdeliber ng ki­­na­ka­i­langang puntos sina roo­kies Thea Gagate at Leila Cruz sa kanilang 10 at 9 points, ayon sa pagkaka­su­nod.

“Very crucial na game for us at isa pa like ‘yung ganitong first game nandito ‘yung tinatawag na­ting first game jitters pero kita naman natin kahit na mga bata ‘yung players namin medyo nawawala and then nakabalik din,” sabi ni head coach Ramil de Jesus.

Angat ng 2-1 pagpasok ng fourth set, hindi binitawan ng Lady Spi­kers ang pinanghawakang kumpiyansang nang ipos­te ang 16-0 atake para itarak ang 20-7 bentahe hanggang sa tinuluy-tuloy nila ang pag-ariba at iwanan sa ere ang Lady Eagles.

Nagawa mang ungu­san ang Ateneo sa ka­nilang unang pag­haharap, lumabas pa rin ang first game jitters nang magbigay ang La Salle ng 32 libreng puntos mula sa kanilang unforced errors.

Samantala, nakabawi ang University of the Philippines Lady Maroons matapos padapain ang University of the East Lady Warriors, 25-23, 25-20, 18-25, 25-17.

Nagtala ng 24 points si team captain Isa Molde mula sa 18 attacks, 4 kill blocks at 2 aces.

 

vuukle comment

LADY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with