^

PM Sports

Back in full swing

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kasagsagan pa rin ng novel coronavirus threat pero back in full swing na ang Philippine sporting action – pinangungunahan ng kampanya ng mga Pi­noy pugs sa Continental Olympic qualifier sa Am­man, Jordan at ng mga Phl netters kontra Team Greece sa Davis Cup.

Dehado ang Pinoy netters pero malaki pa rin ang interest ng home crowd na mapanood ang Phl-Greece tie dahil makikita in person si World No. 6 Stefanos Tsitsipas.

Mataas din ang interest na sundan ang kaganapan sa Amman slugfest kung saan nakasalang ang Olympic hopes ng mga pambatong Phl boxers.

Magaang na nilusutan ni Nesthy Petecio ang kan­yang unang laban. 

Kung malulusutan din ang kasunod na pagsubok kontra sa Japanese foe ay sigurado na ang kanyang pagsama kina gymnast Caloy Yulo at pole-vaulter EJ Obiena sa sa Tokyo Games sa Hulyo.

Anim pang Pinoy boxers ang habol ang Olympic berth sa continental eliminator.

Umusad na rin ang D-League at papasimula ang PBA Season 45 sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Maagang sisimulan ng San Miguel Beer ang kam­panya minus June Mar Fajardo dahil haharapin ni­la ang Magnolia sa opening game.

*****

Nakisabay rin sa paglatag ng kanilang bagong season ang Super Seniors Monday Club sa Bagbaguin, Valenzuela na naglalaro sa House of Masons court na naitayo sa kabutihang loob ni Valenzuela Dis­trict II Cong. Eric Martinez.

Hindi pa nagsisimula ay title threat na kaagad ang brand new team ni Macaya Drugs owner Cezar Macaya.

Nagsaad naman ng determinasyon si Ogie Dan­tes na makuha ang back-to-back championships sa pakikisanib-puwersa sa Sub Zero group nina Ba­dok Benitez at Jomeng Casimiro, samantalang ha­bol din ang second title ng Batch 83/Tropang Ku­bo team ni Kagawad Dennis Alemania at CKV All-Stars nina Ernie “Igop” dela Cruz, Calo Callos at Bobby Atenciana.

Nagnanasa ng first title ang St. Joseph team ni Ro­my Arevalo, Zaddi Saamong at Noel Bonton.

vuukle comment

FULL SWING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with