^

PM Sports

No. 8 jersey ni Simon ireretiro ng Magnolia

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang 17 season ay pormal na ireretiro ng Magnolia ang No. 8 jersey ni shooting guard PJ Simon.

Plano itong gawin ng mga Hotshots sa kanilang pagsagupa sa Ginebra Gin Kings sa kanilang ‘Ma­nila Clasico’ sa Mayo 10 sa 2020 PBA Philippine Cup.

Ang 39-anyos na si Si­mon ay napili ng Sta. Lucia bilang 43rd overall pick noong 2001 PBA Rookie Draft.

Hindi siya pinapirma ng Realtors ng kontrata kaya nagdesisyon ang Ce­buano shooter na mag­laro sa nabuwag nang Me­tropolitan Basketball Association.

Matapos sa MBA ay su­mabak naman si Simon sa namahinga na ring Philippine Basketball League bago bumalik sa PBA noong 2004 bilang isang free agent at isinuot ang uniporme ng Purefoods.

Sa kanyang paglala­ro para sa prangksia ay nanalo si Simon ng wa­long PBA championships at walong beses napasama sa All-Star.

Dalawang beses siyang kinilala bilang Mr. Quality Minutes at no­ong nakaraang taon ay nag­hari sa PBA Three-Point Shoot Out.

Bubuksan ang 2020 PBA Philippine Cup sa Marso 8 sa Smart Arane­ta Coliseum.

Kaagad makakatapat ng San Miguel, hangad ang kanilang record na ika­anim na Philippine Cup title, ang Magnolia.

Maglalaro ang Beermen sa kabuuan ng torneo na wala si five-time PBA June Mar Fajardo da­hil sa leg injury nito.

Sa Marso 11 ay mag­tu­tuos ang TNT Katropa at Phoenix at ang NLEX at NorthPort.

 

vuukle comment

MAGNOLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with