^

PM Sports

Back to normal

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Balik normal na ang sports activities sa ating bansa kahit na marami sa ating kapitbahay na mga ban­sa ay nasa kasagsagan pa ng pakikipagbaka kung paano mako-contain ang novel coronavirus di­sease (COVID-19).

Tuluy-tuloy ang laro sa MPBL, balik na ang bak­bakan sa UAAP at NCAA, samantalang humataw na ang Philippine Super Liga at ang PBA D-League. At papasimula na ang PBA Season 45 sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Pero hindi ibig sabihin na wala silang alintana sa nanatiling banta ng COVID-19.

“We’re monitoring the situation at makikinig ka­mi sa advisory ng mga kagawaran ng gobyerno,” ani PBA Commissioner Willie Marcial.

Sa bandang huli, ang kalusugan at safety pa rin ng lahat ang pinaka importante, dagdag pa ng butihing PBA chief.

But as much as possible, nais ng mga sports leagues sa bansa na makatulong i-normalize ang tak­bo ng buhay kasabay ang panalangin na masa­wata ang health concern na banta rin sa pagdaraos ng Olympics sa Tokyo sa Hulyo.

“We will implement all necessary safety measures,” ani Marcial. Maaaring isa sa requirement ang digital laser infrared thermometer sa mga pla­ying venues.

Sa Italy, isa sa mga bansa na maraming kaso ng COVID-19 infection, nagpatupad na ng mara­ming contingencies kasama na ang postponement ng soccer matches hanggang sa buwan ng Mayo.

Una ay nagkaroon ng ilang laro na isinagawa closed door.

Lagpas 85,000 tao na ang tinamaan ng disease at mahigit 2,900 ang naitalang namatay.

Mabuti naman at hindi kasama ang Pilipinas sa hardest hit na bansa.

vuukle comment

BACK TO NORMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with