^

PM Sports

Erram balik sa TNT Katropa matapos ang three-team trade

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Erram balik sa TNT Katropa matapos ang three-team trade
Poy Erram

MANILA, Philippines — Natuloy na ang three-team, multi-player trade na nakasentro kay Gilas Pilipinas center Poy Erram matapos ang tawaran at diskusyo na tumagal ng dalawang linggo.

Inaprubahan kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang nasabing palitan.

Base sa pinal na trade package, unang mapu­pun­ta si Erram mula sa NLEX patungo sa Blackwater kapalit nina Antho­ny Semerad at Rabeh Al-Hussaini sahog pa ang 2020 first at 2021 second round picks.

Sa puntong ito ay itutulak ng Blackwater si Erram papunta sa TNT Katropa kapalit ang dalawang big men na sina You­sef Taha at Marion Ma­gat gayundin ang da­lawang future first round picks 2021 at 2022.

Nauna nang inatasan ng PBA ang tatlong ko­po­nan na repasuhin ang ka­nilang trade package ma­tapos ang hindi balanseng first draft nito.

Pagbabalik ito ng 6-foot-8 center na si Erram sa Tropang Texters na siyang pumili sa kanya bilang 15th overall pick noong 2014 PBA Rookie Draft.

Hindi siya nagtagal sa TNT Katropa hanggang sa mapunta sa Blackwater na pi­naglaruan niya hanggang 2018 bago na­lipat sa NLEX kapalit ang da­lawang rookies na sina Abu Tratter at Paul Desi­derio.

Isang two-time PBA All Star at 2018 Defensive Player of the Year si Erram na magiging ma­laking tulong sa Tropang Texters na matagal nang naghahanap ng solidong sentro upang umalalay ki­na RR Pogoy, Troy Rosario, Ray Parks, Jr. at Jayson Castro.

Ngayon ay lalong lu­makas ang TNT Katro­pa na isa sa mga paboritong mag­wagi sa darating na 2020 PBA Philippine Cup, magbubukas sa Marso 8, kasama ang nag­dedepensang San Mi­guel, Barangay Ginebra at Magnolia.

Sa panig naman ng NLEX na nawalan ng bigating frontline, ang be­teranong si Al-Hussaini ang inaasahang sasalo sa na­i­wang puwesto ni Erram katulong pa si swingman Anthony Semerad na dadagdag sa firepower nina Kiefer Ra­vena, Jericho Cruz at Kevin Alas.

Ang Elite naman ay nakapagdagdag din lalo ng frontcourt sa pagda­ting nina Magat at Taha upang makatulong sina Carl Bryan Cruz, James Sena at Chris Javier gayundin ang palabang guards na sina Roi Su­mang, Mike Tolomia, Mike Cortez at Desiderio sa ilalim ng bagong coach na si Nash Racela.

 

vuukle comment

POY ERRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with