^

PM Sports

Doncic, Porzingis bumida sa panalo ng Mavericks

Pang-masa

SAN ANTONIO – Ninerbiyos nang husto ang Dallas Mave­ricks nang ma­wa­la ang ka­ni­lang laro sa pagbubukas ng fourth quarter.

Ngunit ang opensa ni­na guard Luka Doncic at forward Kristaps Por­zingis ang nagbalik sa ka­nilang porma.

Kumolekta si Doncic ng 26 points, 14 assists at 10 rebounds at nagtala si Porzingis ng 28 points at 12 rebounds para akayin ang Mavericks sa  109-103 paggiba sa Spurs.

Itinala ni Doncic ang kanyang ika-13 triple-double ngayong season at pang-21 sa career para pantayan si Jason Kidd sa Dallas franchise record.

“It’s tough to play here,” sabi ni Doncic, ipag­diriwang ang kanyang ika-21 kaarawan sa Bi­yernes. “You can see we’re learning. It’s not always going to be perfect, but we’re learning.”

Binanderahan naman ni DeMar DeRozan ang San Antonio mula sa kanyang 27 points, 9 assists at 8 rebounds.

Sa Houston, nagsalpak sina Russell Westbrook at James Harden ng pinagsamang 63 points pa­ra ihatid ang Rockets sa 140-112 pagdaig sa Mem­phis Grizzlies.

Ito ang pang-limang su­nod na arangkada ng Houston.

Sa Salt Lake City, hu­­mataw si Jayson Tatum ng 33 points at 11 re­­bounds sa 114-103 pag­pa­­patumba ng Boston Cel­tics sa Utah Jazz.

Pinamunuan ni Donovan Mitchell ang Utah sa kanyang 37 points at may 15 at 14 markers sina Mike Conley at Royce O’ Neale, ayon sa pagkaka­su­nod.

Sa Phoenix, nagposte si Kawhi Leonard ng 24 points at 14 rebounds at  may 18 markers si Marcus Morris para sa 102-92 paggupo ng Los Angeles Clippers sa Suns.

Nagdagdag si Reggie Jackson ng 12 points.

vuukle comment

MAVERICKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with