^

PM Sports

Calvin Abueva case

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Walong buwan na palang suspended indefinitely si Calvin Abueva matapos ang kanyang clothesline attack kay TNT import Terrence Jones at ang ma­laswang asta na ipinakita laban sa girlfriend ni Bobby Ray Parks, Jr.

Malaking financial na ang nawala sa Abueva fa­mily kaya’t hindi kataka-taka na magsiwalat na ng kanyang damdamin ang maybahay ni Calvin.

Ginamit ni Sam Abueva ang Instagram upang ita­nong sa PBA kung hindi pa ba sapat ang parusang inabot ni Calvin at kung ano ang basehan sa pa­rusang ito.

Nanatili naman na simple ang sagot ni Commissioner Willie Marcial.

Kausap niya daw si Calvin at may mga bagay pa siyang required gawin ng Phoenix Pulse player.

Tahimik naman ang Phoenix Pulse management dahil malamang na alam nila kung ano ang sitwasyon.

Ang lumalaking sapantaha ay hindi lamang ang alburoto ni Calvin noong fateful Phoenix-TNT game ang dahilan ng kanyang mahabang suspension.

Kung anuman ito, nawa ito ay maayos upang ma­kabalik na sa laro ang isa sa mga most exciting PBA players sa panahong ito.

*****

Sinuspinde ng sarili nilang teams sina Vic Ma­nuel at Jio Jalalon dahil sa violation nila sa league rule ukol sa “larong labas.”

“Puwede silang lumaro sa labas kung may approval ng mother teams,” ani Commissioner Marcial.

Dahil sa rami ng report ng violations, minabuti ni “Kume” na mag-impose na ng kaparusahan na “P50,000 fine and/or suspension.”

 Ang siste ay may mga PBA players na may hindi matanggihang laro – hindi naman dahil lang sa bayad kung hindi sa pakikisama.

Iyon nga lamang ay hinaharap nila ang posibleng injury lalo na kung ang laro ay sa semento.

Ito ay masakit na katotohanan na sinapit ni Ping Ex­ci­miniano at nagdulot ng pagkawala ng contract-extension deal sa Rain or Shine.

Araguy!!!!

 

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with