PSC todo-suporta sa Para athletes
MANILA, Philippines — Matapos makakuha si Asian Games gold medallist Ernie Gawilan ng slot sa Tokyo 2020, ikinagagalak ng Philippine Sports Commission (PSC) na ipagpatuloy ang pagsuporta sa National Paralympic Team para madagdagan ang mga Pinoy qualifiers.
Nakasiguro si Gawilan, ang most bemedalled para swimmers ng bansa, ng slot na ibi-nibigay ng International Paralympic Committee sa pamamagitan ng qualifying points mula sa iba’t ibang kompetis-yon tulad ng 2018 Asian Para Games at 2019 World Para Swimming Cham-pionships.
Regular na sinusuportahan ng PSC ang mga para athletes sa pagbibigay sa Philippine Sports Association for the Phi-lippine Paralympic Committee (PPC) ng financial aid at foreign exposure sa kanilang mga atleta.
Si Gawilan na bahagi ng National Paralympic Swimming Team ay kasalukuyang nagte-training sa Aquatic Center sa New Clark City, Capas, Tarlac at sinusuportahan ng PSC.
Para sa buwan ng Ene-ro, nagbigay ang PSC sa national para swimming team, women’s basketball team at para-sitting volleyball team ng tinatayang P800,000 para sa training venue rental at iba pa.
- Latest