^

PM Sports

Napaboran ang Gilas vs Indonesia

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Napaboran ang Gilas vs Indonesia

MANILA, Philippines — Mas lumaki ang tsansa ng Gilas Pilipinas na makalusot sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kontra sa Indonesia na hindi muna makakasama ang reinforcement na si Lester Prosper.

Wala ang dating PBA import ng Columbian sa 12-man roster na inilabas ng Indonesian Basketball Association (IBA) kahapon dahil hindi umabot ang kanyang naturalization process para sa ngayong window.

“The process is quite long. [During a Cabinet meeting on Tuesday] we explained why we have to use naturalized players,” ani IBA chairman Danny Kosasih sa Jakarta Post matapos ang press conference nila kahapon. “We need to deploy naturalized players in our national squad] because we have a height problem with our local players, and it is impossible for us to compete against other countries in the World Cup.

Ayon pa kay Kosasih, nakakuha na sila ng recommendation letter mula kay Indonesia President Joko Widodo at hinihintay na lamang na mapatawag si Prosper sa kanilang kongreso upang maplantsa ang naturalization process.

Bukod sa British Virgin Islands national na si Prosper ay kandidato rin sa naturalization ng IBA si Brandon Jawato subalit pareho silang hindi muna magiging available para sa koponan ngayong window.

Mismong si Rajko Toroman ang kumuha kay Prosper nang maging Indonesia head coach noong nakaraang taon matapos hindi matuloy ang una nilang option na si dati ring PBA import Denzel Bowles.

Maglalaro na sana sa 2019 SEA Games si Prosper, naging SMB import na rin sa East Asia Terrific 12 Tournament, subalit hindi na rin umabot ang kanyang papeles.

Ngayong wala pa rin ang 6’10 na sentro, susubok ang Gilas na maulit ang 97-70 panalo kontra sa Indonesia noong SEA Games semifinals tungo sa pagpagpag nila sa Thailand sa finals para sa gintong medalya.

Tatrangko sa atake ng Nationals ang pitong PBA players sa pangunguna nina CJ Perez, Troy Rosario at Kiefer Ravena habang aalalay naman sa kanila ang mga collegiate standouts na sina Isaac Go, Matt Nie-to, Thirdy Ravena at Juan Gomez De Liano.

Bagama’t wala naman si Prosper, palaban pa rin ang Indons sa pamumuno ng mga beteranong sina Arki Wisnu, Kevin Sitorus at Abraham Grahita.

Magaganap sa Linggo ang laban ng dalawang koponan sa Mahaka Arena sa Kelapa Gading, North Jakarta at nakatakdang umalis ngayon ang Gilas.

vuukle comment

2021 FIBA ASIA CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with