^

PM Sports

Walang problema kay Erram

Olmin Leyba - Pang-masa
Walang problema kay Erram

MANILA, Philippines — Habang naghihintay na maipormalisa ang three-way trade proposal na magdadala kay NLEX slotman Poy Erram sa TNT KaTropa ay tuloy lang ang normal na araw sa kanya .

Dumalo pa ang 6-foot-8 na si Erram sa morning practice ng NLEX kahapon para sa pang-hapong laban kontra sa Alaska sa Phoenix Super Basketball Tournament sa Upper Deck.

Hindi inilaro ni Coach Yeng Guiao si Erram at isinalang si Raul Soyud na nagsumite ng 22-points at eight-rebounds performance para talunin ang Aces, 104-89 tungo sa ikalawang sunod na panalo sa four-team pre-season tournament.

“Wala pa namang lumalabas na kahit ano so sa NLEX pa rin ako, pupunta ako nang maaga, shooting, ginagawa ko pa rin daily routine ko kasi ayoko namang nakatanga, naghihintay lang, parang mawawala rin ako sa kondisyon nun. If ever ‘di matuloy, tuloy ako sa NLEX, walang problema,” sabi ni Erram.

Nakipagkasundo ang NLEX sa Blackwater at TNT na magdadala kay Erram sa KaTropa, si Anthony Semerad sa Road Warriors at sina Mark Magat atEd Daquioag sa Elite bukod pa sa multiple draft picks.

Kailangan pa itong aprubahan ng PBA trade committe na ipinag-utos na baguhin ang trade para ma-ging patas ito.

“Of course we still consider him as part of the team until may final ano na sa trade. But we’re just trying to relish our last few days together,” sabi ni Guiao na nagsabing kung siya ang masusunod, nais niyang manatili sa team si Erram. “Even though he knows there’s a pending development, he comes to practice religiously, doesn’t miss anything, even itong game, hindi niya alam kung maglalaro siya, dumating pa rin siya.”

Itinanggi ni Guiao at Erram na mayroon silang isyu kaya mayroong trade na nagaganap.

“To set the record straight, wala kaming pinag-awayan ni Poy...We’re happy with him, I think he’s happy with us. So that’s not the reason for the trade,” sabi ni Guiao.

“Okay kami ni coach Yeng, wala kaming alitang dalawa,” sabi naman ni Erram. “Professional naman tayo, part naman ng basketball ‘yan. Malungkot pero iyun ang reality so wala tayong magagawa. Kung ano ang desisyon ng mataas sa atin, iyun ang susundin natin.”

vuukle comment

POY ERRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with