Level up na ang training ni Ancajas
MANILA, Philippines — Malayo pa ang laban ngunit level up na kaagad ang pagsasanay ni reigning International Boxing Federation super flyweight champion Jerwin Ancajas para sa title defense niya laban kay Mexican challenger Jonathan Rodriguez sa Abril.
Target ni Ancajas na mas mapalakas ang kanyang kamao kaya’t doble kayod ang ginagawa niya para maabot ang kumbinasyong power at speed.
Ayon kay trainer Joven Jimenez, dalawang beses kada linggo ang ginagawang sparring ni Ancajas sa Dipolog City.
Wala pa sa perpektong kondisyon si Ancajas ngunit ipinagmalaki ni Jimenez na nasa tamang porma na ito.
Kailangan na lang aniya na maplantsa ang ilang bagay para makuha ang peak form.
“Twice a week ang sparring niya. Naka-focus kami sa power without sacrificing his speed,” ani Jimenez.
Magtutuluy-tuloy ang ensayo ni Ancajas sa Dipolog City bago tumulak sa Amerika para ipagpatuloy ang kanyang training camp doon.
“We are ready 89 percent with still two months to go. He’s near in his best shape,” ani Jimenez
Alam ni Ancajas na mapapalaban siya nang husto dahil hindi birong kalaban si Rodriguez.
“I’m expecting this fight to be a challenge. Rodriguez is a traditional Mexican fighter who comes forward to fight. His heart is there. I’m sure he is prepared and will show his best,” sabi ni Ancajas sa panayam ng BoxingScene.com.
Handa si Ancajas na ilabas ang lahat upang mapatumba ang Mexican challenger.
Una nang itinakda ang laban nina Ancajas at Rodriguez noong Nobyembre 2 sa Carson, California.
Subalit hindi ito natuloy dahil sa problema sa visa ni Rodriguez.
“I will do my best to put on a big fight for bigger things to come. Rodriguez was really impressive in his last fight. We’ve prepared hard for this fight. As a fighter, it is my job to put on a good fight and make it entertaining,” dagdag pa ni Ancajas.
- Latest