Kai, Queen P nagkita sa Chicago
CHICAGO -- Nagkita sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, isa na ngayong NBA Philippines insider, at 7-foot-2 Pinoy teen hoops phenom Kai Sotto sa 2020 NBA All-Star festivities dito.
Sa kanilang pagkikita ay nakipag-selfie si Sotto kay Wurtzbach.
Ipinakita ni Sotto, bahagi ng Basketball Without Borders Global Camp, kay “Queen P” ang ilan niyang basketball fundamentals.
Sa isang eksena ay binigyan ni Wurtzbach si Sotto ng lob pass para sa two-handed slam dunk ng Pinoy sensation.
Kamakailan ay nakakuwentuhan ni Sotto si NBA All-Star Pascal Siakam ng Toronto Raptors na naging bahagi ng BWBGC.
Si Sotto ay kasama sa 64 boys at girls na nagpapartisipa sa nasabing training camp.
- Latest