AFP, DENR parehong asam ang finals
MANILA, Philippines — Pipilitin ng nagdedepensang Armed Forces of the Philippines (AFP) at bagitong Department of Environment Natural Resources (DENR) na plan-tsahin ang title duel.
Pakay ng dalawa na tapusin ang kani-kanilang semifinals series papasok sa 8th UNTV Cup Finals.
Hangad maging unang back-to-back champions ng annual tournament para sa mga public servants, lalabanan ng AFP Cavaliers ang Judiciary Magis sa Game Two ng kanilang best-of-three series nga-yong alas-3:30 ng hapon sa Paco Arena sa Manila City.
Inangkin ng Cavaliers ang 79-74 panalo sa Game One para lumapit sa ikaapat na finals appearance sa event na inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.
Sa likod nina dating national team members Eugene Tan at Boyet Bautista, ang Cavaliers ang ‘winningest team’ sa liga sa kanilang hawak na tatlong korona.
Haharapin naman ng DENR Warriors ang National Housing Authority Builders ngayong alas-5 ng hapon.
Nagtuwang sina Ralph Lansang, Melvin Bangal at Ed Rivera sa iniskor na 50 points para igiya ang Warriors sa 79-63 paggupo sa Builders.
- Latest