^

PM Sports

Gilas sked posible ring makansela

Chris Co, John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanganganib na ma-kansela rin ang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers dahil sa coronavirus na opisyal na ngayong pinangalanang COVID-19 (Coronavirus di-sease-2019).

Aarangkada  ang naturang qualifiers sa Pebrero 20 sa Smart Araneta Coliseum ngunit may mga ulat na nagpasya ang mga organizers na ipagpaliban muna ito para masigurong ligtas ang mga players, coaches at officials maging ng mga fans na daragsa sa venue para suportahan ang Gilas Pilipinas.

Haharapin ng Gilas Pilipinas ang Thailand sa naturang petsa.

Nakatakdang pag-usapan ng mga organizers kung kailan ililipat ang petsa ng mga laro.

Kung kailan pa namang solb na ang Gilas Pilipinas sa kasalukuyang training pool nito.

Wala nang balak magdagdag pa ng player, saktong isang linggo bago ang kampanya sa unang window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Ayon kay national team manager Gabby Cui, sakto na ang pool ng Gilas ngayon para sa mis-yong maihanda na sila sa unang makakasagupang Thailand at Indonesia sa Pebrero 20 at 23, ayon sa pagkakasunod.

Nitong mga nakaraang araw ay dinagdag ng Gilas ang apat na manla-larong sina Justin Chua ng Phoenix at Javee Mocon ng Rain or Shine gayundin sina Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska.

Sila ang pumalit kina Christian Standhardinger ng NorthPort, Mac Belo ng Blackwater, Japeth Aguilar ng Ginebra at Matthew Wright ng Phoenix na nauna nang umatras pansamantala para sa first window ng Asia Cup Qualifiers.

Sa pagdating ng mga replacement members ay naging banayad ang takbo ng execution ng Gilas ayon kay interim coach Mark Dickel papalapit sa kanilang kampanya na magiging unang torneo ng Pilipinas simula noong 2019 FIBA World Cup at SEA Games.

Dagdag pa ni Cui, inaasahan niyang magsasanay na ngayon si Abu Tratter kasama ang koponan habang sa makalawa naman si Manuel. Kagagaling lang ng dalawa sa team building ng Alaska habang si Manuel ay sasamahan muna ang pamilya matapos ang panganganak ng kanyang asawa.

Bagama’t lagi ring pre-sent sa training ng Gilas, inaabangang maglaro si Kobe Paras ng UP habang wala pang balita kung magpapakita sina Ray Parks Jr. at Justine Baltazar.

Kinokonsiderang ma-ging bahagi ng coaching staff ng Gilas si Marc Pingris kasama sina assistant coaches Topex Robinson at Alex Compton habang ‘di pa siya nakakalaro.

May iniindang injury si Pingris na natamo niya sa ensayo ng Magnolia su-balit nasa pagsasanay pa rin siya ng national team buhat nang mag-umpisa ang training camp nila noong nakaraang Huwebes.

Ilang events na ang nakansela dahil sa coronavirus kabilang na ang mga UAAP events gaya ng volleyball tournament na nakatakda sanang magbukas bukas (Sabado) sa MOA Arena sa Pasay City.

vuukle comment

2021 FIBA ASIA CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with