^

PM Sports

NCAA games sinuspinde na lahat

Chris Co - Pang-masa

Dahil sa COVID-19

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ng NCAA Ma-nagement Committee ang mga laro sa seniors division nito simula ngayong araw dahil na rin sa coronavirus outbreak.

Inilabas ng NCAA ManCom ang desisyon kahapon bilang tugon sa pa-nawagan ng Department of Health, Department of Education at Commission on Higher Education na kanselahin muna ang mga aktibidad sa mga paaralan kabilang na ang mga sporting events.

“NCAA is tempora-rily suspending the games for seniors division starting 14 February 2020 as a precautionary measure on the COVID-2019,” ani NCAA ManCom chairman Peter Cayco ng season host Arellano University sa isang statement.

Magpupulong ang NCAA ManCom para desisyunan kung kailan ipagpapatuloy ang mga laro.

Ayon sa NCAA, pra-yoridad nito ang kaligtasan ng mga estudyante at opisyales.

“We shall advise you of the new schedule as soon as it becomes available and in compliance with relevant DOH, DepEd, CHED and LGU advisories and guidelines. While we are mindful of the importance of holding the games, the health of the students is our top priority,” ayon pa sa statement.

Una nang kinansela ang mga laro sa juniors division noong Pebrero 6 dahil rin sa coronavirus.

Sa laro kahapon, kahit hindi sumalang si two-time Finals MVP at leading MVP candidate Regine Arocha, hindi ito naging hadlang para sa nagdedepensang Arellano University para hablutin ang mabilis na 25-15, 25-14, 25-20 demolisyon sa Emilio Aguinaldo College kahapon sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Pinunan ni Carla Donato ang pagkawala ni Arocha matapos humataw ng 12 puntos mula sa 11 attacks at isang block para pamunuan ang Lady Chiefs sa pagkopo ng ikapitong panalo sa walong pagsalang.

Tumatag ang kapit ng Arellano sa No. 2 spot hawak ang 7-1 marka para lubos na palakasin ang tsansa nito sa twice-to-beat card.

Ipinahinga ng Lady Chiefs si Arocha na pa-ngunahing pinagkukunan ng lakas ng tropa.

Bumandera para sa Lady Generals si Cathrine Almazan na naglista ng 14 markers ngunit hindi ito sapat para tuldukan ng EAC ang kampanya nito bitbit ang 1-8 kartada.

Sa ikalawang laro, tuluyan nang naglaho ang pag-asa ng University of Perpetual Help System Dalta sa twice-to-beat card nang yumuko sa Colegio de San Juan de Letran, 22-25, 21-25, 25-18, 25-16, 15-17.

Bagsak ang Lady Altas sa No. 3 (6-3) habang umangat sa 4-4 ang sibak nang Lady Knights. 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with