^

PM Sports

Battle of rookies sa UAAP women’s volleyball

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas kaabang-abang at kapanapanabik ang darating na UAAP season 82 women’s volleyball na papalo na ngayong Sabado sa Mall of Asia sa Pasay City dahil tila isang ‘Battle of the Rookies’ na maituturing ang season ngayong taon.

Halos bagong mukha at pangalan ang iwawagayway ng mga walong school-based team na kasali sa liga kaya’t asahan na isang dikdikan at pukpukang banggaan ng bawat tropa sa torneong ito.

“Since marami kaming rookies na nasa line-up. Ngayong season sobrang balance ng team so expect exciting games,” sabi ni La Salle deputy coach Noelle Orcullo sa press conference na ginanap kahapon sa MOA Arena.

May walong rookies ang ibabandera ng La Salle, Far Eastern, National U at Adamson,  anim na bagong manla-laro naman mula sa Santo Tomas, may limang bagong mukha ang UP at tig-apat naman mula sa defending champions na Ateneo at University of the East.

Tiyak na aabangan sina Thea Gagate paras sa La Salle; Shiela Kiseo ng FEU; Alyssa Solomon ng NU; Louie Romero ng Adamson at Imee Hernandez ng UST.

Bukod sa rookies, kailangan din aba-ngan ng mga tagahanga ang mga pagbabago na magaganap sa liga. Una na rito ang halinhinang match schedule ng men’s at women’s game at sa unang pagkakataon ay ang paggamit ng challenge system.

Ayon kay league commissioner Noreen Go, ang challenge system na gagamitin nga-yon katulad sa ginamit noong 30th Southeast Asian (SEA) Games dito sa bansa, na kasalukuyan din pinapatupad sa Philippine Superliga (PSL).

“We will pattern the challenge system after the SEA Games. We were still finalizing all the details and we will release a memorandum to all the schools involved and the media as well,” wika ni Go.

Unang handog na laro ang men’s at wo-men’s match ng University of East at University of the Philippines sa alas-9 at 10:30 ng umaga habang sa alas-2 at 3:30 hapon ang laban sa pagitan ng University of Santo Tomas at Far Eastern University.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with