^

PM Sports

SMB-Alab pinatumba ang Heat para makabalik sa porma

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumikwat muna ng malaking panalo ang SMB-Alab Pilipinas bago magpahinga sa ka­nilang kampanya sa 2019-2020 ASEAN Basketball League.

Dinaig ng SMB-Alab ang Saigon Heat, 82-75, sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna kama­ka­lawa ng gabi upang ma­kabalik sa winning track sa 10-team regional tournament sa Asya.

Malaking bounce back win ito para sa San Mi­guel-backed franchise lalo’t mahaba-haba ang magiging break nila.

Sa Pebrero 19 pa ulit sa­salang ang mga bataan ni coach Jimmy Alapag kontra sa Westports Malaysia Dragons sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur.

Ang Westports din ang tumalo sa Alab noong nakaraang linggo, 91-63.

Dahilan nito ay ang pag­kakasali ng susunod na laban sana sa Sabado kontra sa Macau Black Bears sa Laguna pa rin sa listahan ng mga postponed games ng ABL.

Nagdesisyon ang ABL na suspindehin muna ang 15 laro ngayong buwan ka­bilang na ang Alab-Ma­cau battle bunsod ng no­vel coronavirus outbreak at ang travel restrictions na kalakip nito sa mga piling bansa.

Nagsimula ang sus­pen­syon ng ilang laban no­on pang Sabado at mag­papatuloy hanggang sa Marso 1 depende pa sa sitwasyon ng 2019-n-cov.

Balik sa solo segunda puwesto ang Alab hawak ang 9-5 kartada.

Nasa unahan pa rin ni­la ang karibal na Mono Vampire ng Thailand na tangan ang 10-4 kartada.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with