^

PM Sports

Ravena, Animam at Aquino may award sa PSA

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gagawaran ng special awards sina Thirdy Ravena ng Ateneo, coach Pat Aquino at Jack Animam ng National University sa darating na SMC-PSA Annual Awards Night sa Manila Hotel Centennial Hall.

Hihirangin si Ravena bilang Mr. Basketball at tatanghaling Ms. Basketball at Coach of the Year naman sina Animam at Aquino, ayon sa pagka­ka­sunod.

Dahil sa kontribusyon nina Animam at Aquino, ito ang unang pagkaka­ta­on na magbibigay ng Ms. Basketball at Coach of the Year awards ang pi­nakamatandang media organization sa bansa na naitayo noong 1949.

Ilan lamang ang tatlong special awards na iga­­gawad ng PSA sa pa­ngunguna ng Athlete of the Year na Team Philippines sa Marso 6 sa event na suportado rin ng Phi­lip­pine Sports Commission, Milo, Cignal TV, Phi­lippine Basketball Association, Rain or Shine at AirAsia.

Umukit ng kasaysa­yan sina Animam at Aqui­no sa nakalipas na taon tampok ang panibagong kampeonato ng NU Lady Bulldogs sa UAAP wo­men’s basketball.

Winalis nila ang nag­da­ang 82nd season para sa ikaanim na sunod na ti­tulo at pagpapatuloy ng 96-game winning streak si­mula noong 2014.

Naging bahagi rin ang dalawa ng makasaysa­yang double-gold harvest ng Gilas Pilipinas women sa 5-on-5 at 3x3 format ng 2019 Southeast Asian Games noong Disyembre.

Bukod pa rito ang ma­laking tulong nila para mapanatili ng bansa ang elite Division A status sa FIBA Women’s Asia Cup.

Si Ravena ay nakilala naman sa paggabay sa Ate­neo sa 16-0 sweep sa UAAP.

vuukle comment

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with