^

PM Sports

Yulo level up na ang pagte-training

Chris Co - Pang-masa
Yulo level up na ang pagte-training

MANILA, Philippines — Desidido si world champion Carlos Yulo na masungkit ang gintong medalya sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Hulyo sa Tokyo, Japan.

Level up ang training ni Yulo dahil mas tinaasan nito ang degree of difficulty ng kanyang mga routines.

Nagpatikim si Yulo ng kanyang magiging performance sa Tokyo Games sa kanyang Instagram account.

Mula sa kanyang double back na ipinamalas nang masikwat nito ang ginto sa 2019 FIG World Artistic Gymnastics Championship sa Stuttgart, Germany, isang impresibong triple back ang ipinakita ni Yulo sa kanyang Instagram video.

Hindi pa kuntento si Yulo sa kanyang bagong routine ngunit inaasahang mas magiging malinis ito sa oras na tumapak ang kanyang mga paa sa Tok-yo Olympics.

“A bit messy but hey! This is the first time and first try doin this on the actual floor. PS: I was so terrified,” ani Yulo sa kanyang post.

Nagkomento pa ito na “chamba lang” matapos ang comment ng isang fan.

Masaya pang naririnig ang tawa ni Japanese coach Munehiro Kugimiya sa video na tila satisfied sa ipinamalas ng Pinoy champion.

Humakot ang post ng kaliwa’t kanang papuri hindi lamang sa kanyang mga tagahanga maging sa iba’t ibang world class gymnasts na nagkomento kabilang na si 2016 Rio Olympics gold medallist at kapwa 2019 Stuttgart world champion na si Arthur Nory ng Brazil.

Nagkomento rin sina 2019 Pan America bronze medallist Fede Molinari ng Argentina, American NCAA gymnast Hamish Carter ng University of Illinois at 2019 Stuttgart pa-rallel bars world champion Joe Fraser ng Great Britain.

“So good,” ani Fraser.

Maliban sa World Championships, humakot din si Yulo ng dalawang ginto at limang pilak na medalya sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Dahil sa kanyang mga tagumpay sa nakalipas na taon, pararangalan si Yulo ng President’s Award sa PSA Awards Nights na idaraos sa Marso 6 sa Centennial Hall ng The Manila Hotel.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with