^

PM Sports

Gilas training lumarga na

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas training lumarga na

MANILA, Philippines — Lumarga na ang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa unang window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Ginanap ng Philippine men’s national basketball team ang una nitong pagsasanay kahapon sa Moro Lorenzo Gym sa Katipunan, Quezon City.

Labingsiyam mula sa 24-man training pool ng Gilas ang dumalo sa pagsasanay, dalawang linggo bago ang laban nila kontra sa Thailand at Indonesia sa Pebrero 20 at 23, ayon sa pagkakasunod.

Nirepresenta nina Kiefer Ravena, CJ Pe-rez, Troy Rosario at RR Pogoy ang mga nagsanay na manlalaro mula sa PBA habang hindi muna naglaro sina Marc Ping-ris, Poy Erram at Christian Standhardinger.

Kumpleto naman ang core ng koponan na sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Mike at Matt Nie-to na pinahiram ng PBA sa Gilas Pilipinas matapos maging top five picks noong 2019 Rookie Draft.

Nakipagbakbakan din ang mga amateurs na sina Juan at Javi Gomez De Liano, Dave Ildefonso, Dwight Ramos, Jaydee Tungcab at Thirdy Ravena. Dumalo sa pagtitipon si UP star Kobe Paras bagama’t hindi muna naglaro.

Tanging sina Ray Parks Jr., Japeth Aguilar, Mac Belo at Matthew Wright ang PBA players na hindi muna nakasama sa unang practice ng Gilas habang si Justine Baltazar naman mula sa amateur ranks.

Pinangasiwaan ni TNT consultant Mark Dickel ang pagsasanay bilang naitalagang inte-rim head coach ng Gilas.

Nasa ensayo rin si Gilas program director Tab Baldwin at kanyang assistant sa Ateneo na si Sandy Arespacochaga na kamakalawa lang ay inamin ni Dickel na makakasama niya sa Gilas coaching staff.

Kumpirmado ring magiging bahagi ng koponan ang napapaugong lang dati na sina assistant coach Topex Robinson ng Phoenix at dating Alaska mentor na si Alex Compton matapos samahan ang koponan kahapon.

Inaasahang magpapatuloy ang pagsasanay ng Gilas sa susunod na linggo at inaasahan ang kumpletong attendance ng 24-man pool lalo’t nasa offseason pa naman ang PBA. Sa Marso 1 pa magbubukas ang 45th PBA Season.

vuukle comment

2021 FIBA ASIA CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with