^

PM Sports

Lyceum puntirya ang No. 3 win laban sa Mapua

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ikatlong panalo ang susubukang sungkitin ng Lyceum  Lady Pirates sa pagharap sa Mapua University Lady Cardinals sa pagpapatuloy ng elimination round ng NCAA Season 95 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magbabanggaan ang Lady Pirates at Lady Cardinals ngayong alas-12 ng tanghali kasunod ang tapatan ng Emilio Aguinaldo College Lady Generals at San Se­bastian Lady Stags sa alas-2 ng hapon.

Naging kampante ang Lady Pirates matapos ma­ibulsa ang dalawang sunod na panalo ba­go ito putulin ng Letran Lady Knights sa kanilang five-set thriller no­ong Biyernes, 28-26, 25-27, 25-16, 19-25, 14-16.

Nasayang ang double-double finish ni Monica Sevilla na 17 points at 14 excellent digs, pero inaasahan na muli siyang bibirada para pangunahan ang tropa ka­sama sina Alexandra Rafael, Mary Joy Onofre, Ciarnelle Wanta, Jacqueline Acuña at Venice Puzon.

Sa panig naman ng Lady Carnidals, pipilitin ng tro­­pa na madagit ang ikalawang panalo sa liga at maitaas ang posisyon sa team standings.

Matapos madagit ang kanilang unang tagumpay sa season kontra sa EAC ay nalugmok muli ang Mapua nang malasap ang ikaapat na sunod na kabiguan sa kamay ng JRU Lady Bombers, 18-25, 18-25, 29-31.Sasandalan muli ang Lum sa alas-8:30 at sa alas-10 ng umaga, habang sa alas-3:30 at alas-5 ng hapon ay ang salpukan ng EAC at San Sebastian.

vuukle comment

LYCEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with