DepEd nagpaliwanag sa 2020 Palaro
MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi kasali ang Palarong Pambansa sa kakanselahing events bunsod ng 2019 novel coronavirus outbreak.
Sinabi ng DepEd na tuloy ang annual sports meet dahil sa Mayo pa naman ito nakatakda.
Naunang napabalita na kanselado ang Palarong Pambansa matapos ang pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones sa Senate inquiry kamakalawa.
“We reiterate that the Palarong Pambansa is not included in the list since it will officially open by May this year,” paliwanag ng DepEd.
Ilan sa kinanselang events ng DepEd ay ang National School Press Conference (NSPC), National Festival of Talents (NFOT) at National Science and Technology Fair (NSTF) na nakalinya lahat ngayong Pebrero.
Sa Marikina City gagawin ang Palarong Pambansa ngayong taon.
- Latest