^

PM Sports

2020 Derby City Classic Orcollo Master of the Table

Chris Co - Pang-masa
2020 Derby City Classic Orcollo Master of the Table

MANILA, Philippines — Nasungkit ni dating world champion Dennis Orcollo ang overall title (Master of the Table) sa prestihiyosong 2020 Derby City Classic na ginanap sa Caesars Southern Indiana Casino and Hotel sa Elizabeth, Indiana.

Nakalikom ang Pinoy cue master ng kabuuang 210 puntos matapos ang tatlong events para maibulsa ang tumataginting na $20,000 champion’s purse.

Malaking puntos ang nakuha ni Orcollo nang magkampeon  sa Derby City Classic-Diamond Bank Pool event kung saan nagkamit ito ng 120 puntos.

Nakaabot naman sa semifinals si Orcollo sa Derby City Classic-9-Ball event para magdagdag ng 70 puntos habang nagkasya lamang ito sa 20 puntos matapos pumang-16 sa Derby City Classic-One Pocket event.

Pumangalawa si Derby City Classic-One Pocket titlist Billy Thorpe na may 205 puntos habang ikatlo si Joshua Filler na may 182 puntos at ikaapat naman si Derby City Classic-9-ball champion Lee Vann Corteza na may 159 puntos.

Ito ang ikatlong Master of the Table crown ni Orcollo sa Derby City Classic.

Huli nitong nakuha ang pinakamataas na parangal noong 2017 habang naghari rin ito noong 2014 edisyon.

Naibalik ni Orcollo ang ningning ng bandila ng Pilipinas matapos maagaw ang Master of the Table noong nakaraang taon.

Pitong sunud-sunod na taon na pinaghaharian ng Pilipinas ang Master of the Table.

Nagsimula ang winning streak ng Pinoy cue masters noong 2013 nang masikwat ni Francisco ‘Django’ Bustamante ang torneo na sinundan ni Orcollo noong 2014 at Filipino-Canadian Alex Pagulayan noong 2015 at 2016.

Muling nagkampeon si Orcollo noong 2017 at Bustamante noong 2018 bago pinutol ni Skyler Woodward ang dominasyon ng Pilipinas noong 2019.

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with