^

PM Sports

Orcollo kampeon sa Derby City Bank Pool

Chris Co - Pang-masa
Orcollo kampeon sa Derby City Bank Pool

MANILA, Philippines — Isang malinis na sweep ang inilatag ni Dennis Orcollo para mabawi ang kampeonato sa Diamond Bank Pool event ng prestihiyosong 2020 Derby City Classic na ginaganap sa Caesars Southern Indiana Casino and Hotel sa Elizabeth, Indiana.

Inilabas ni Orcollo ang bagsik nito mula umpisa hanggang dulo ng laban kung saan kabilang na pinagbagsak nito sina 2019 Diamond Bank Pool champion Billy Thorpe ng Amerika at Evan Lunda ng Amerika sa three-man final round.

Naibulsa ni Orcollo ang tumataginting na $16,000 papremyo habang nagkasya sa runner-up si Lunda para maiuwi ang $8,000 konsolasyon.

Pumangatlo si Thorpe para ibulsa ang $5,350 sa event na nilahukan ng 451 players.

Ito ang ikalawang Diamond Bank Pool crown ni Orcollo matapos pagharian ang 2014 edisyon.

Kasama rin sa mga tinalo ni Orcollo sina Filipino-Canadian Alex Paulayan, dating world champion Shane Van Boeing ng Amerika at Jayson Shaw ng Scotland gayundin sina Tim De Ruyter, Shannon Murphy, Billy Young, Jeremy Jones David Adams, Mieszko Fortunski, Gary Urinoski, Kenny Wilson at kababayang si James Aranas

Dahil dito, lumakas ang tsansa ni Orcollo na masungkit ang Master of the Table kung saan $20,000 ang nakaabang na papremyo matapos ang apat na events.

May 120 puntos ito sa Diamond Bank Pool.

Sunod na magtatangka si Orcollo kasama ang iba pang Pinoy cue masters sa Diamond 9-Ball Pool event.

Pakay ni Orcollo na mabawi ang korona sa 9-Ball na huli nitong nahawakan noong 2017.

Dalawang beses nang nagkampeon si Orcollo sa 9-Ball. Maliban sa 2017 edisyon, nangibabaw din si Orcollo noong 2011.

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with