^

PM Sports

Arellano hangad masolo ang liderato kontra sa San Beda

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatangkaing ma­ita­la ng Arellano University Lady Chiefs ang ikalimang sunod na panalo at patatagin ang kapit sa li­derato sa pagbangga sa San Beda Lady Red Spi­kers sa NCAA season 95 women’s volleyball sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Makahaharap ng de­fen­ding champions ang Lady Red Spikers nga­yong alas-12 ng tanghali at susundan ng tapatang Jose Rizal University Lady Bombers at Perpe­tual Help Lady Altas sa alas-2 ng hapon.

Naiposte ng Lady Chiefs ang ikaapat na su­nod na panalo nang pa­dapain ang San Sebastian Lady Stags, 25-17, 25-18, 25-27, 25-13, noong Sa­bado na nagdala sa kanila sa tuktok ng standings ka­salo ang St. Benide.

Napanatili man ang malinis na 4-0 marka ay kailangan pa rin ng tro­pa na mas pagtuunan ng pansin ang kanilang kon­disyon at mapaganda pa ang ipinakita nila sa hu­ling laro.

“Siguro pag-usapan lang namin kung ano ‘yung dapat gawin. Magi­ging mahaba ang usapan namin regarding sa ini­laro namin. Iyon naman ang kailangan tapos ta­mang pahinga lang si­gu­­ro,” wika ni Arellano coach Obet Javier na iba­banderang muli sina Re­gine Arocha, Necole Ebuen, Princess Bello, Carla Donato at Mikaela Jua­nich.

Napalakas naman ng San Beda ang kapit sa ikatlong puwesto matapos iposte ang 24-26, 25-19, 25-18, 25-17 tagum­pay kontra sa Letran Lady Knights kamakailan.

Aminado si Lady Red Spikers head coach Ne­mesio Gavino na isa ang floor defense sa bentahe ng Arellano.

“Ang lakas ng floor de­fense nila (Arellano). Ang hirap nilang mabag­sa­kan ng bola. Iyong floor defense nila ang ma­tibay. Champion team ‘yun, mahirap talagang ka­laban. So prepare lang kami nang maayos,” ani Nemesio na sasandalan si­na Cesca Racraquin, Nie­za at Jieza Viray, Kim Manzano, Trisha Paras at Robyn Matias.

Maglalaro rin ang juniors at men’s teams na si­simulan ng laban ng Arellano at San Beda sa alas-8:30 at sa alas-10 ng umaga at sa alas-3:30 at alas-5 ng hapon ang JRU at Perpe­tual.

 

vuukle comment

SAN BEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with