^

PM Sports

CSB Lady Blazers pinasuko agad ang Lady Generals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na napasuko ng College of Saint Benilde ang Emilio Aguinaldo College, 25-20, 25-21, 25-17 upang mapatatag ang kapit sa solong pamumuno sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Matapos ang malam-yang laro sa mga nakalipas na araw, natagpuan din ni Klarisa Abriam ang tamang momento para makalikom ng 16 puntos--lahat galing sa attacks -sa loob lamang ng dalawang sets na paglalaro.

Nakatuwang ni Abriam si Michelle Gamit na umiskor ng 11 hits upang buhatin ang Lady Blazers sa ikaapat na sunod na panalo.

Muling naglatag ng balanseng atake ang Benilde dahil nabigyan ng pagkakataon na makalaro ang lahat ng players.

Nagrehistro sina Mari-tes Pablo at Gayle Pascual ng tigpitong puntos habang may lima si Chelsea Umali, apat si Jade Gentapa at tigalawa naman sina Diane Ventrura, Kaila Miranda at Mycah Go.

“Gusto kasi ni coach (Jerry Yee) na magamit lahat para na rin sa conditioning ng mga bata. Mas-yadong dikit-dikit ‘yung mga games kaya kaila-ngang ma-utilize sila lahat para hindi pagod,” ani Benilde assistant coach Charmaine Geronimo.

Wala pa ring panalo ang Lady Generals sa tatlong pagsalang.

Tanging si Krizzia Reyes lamang ang nagsilbing liwanag sa hanay ng EAC matapos gumawa ng 13 markers.

Sa unang laro, napa-natili ng nagdedepensang Arellano University ang malinis na record makaraang pataubin ang Jose Rizal University, 25-19, 25-16, 25-17.

Naglatag si two-time Finals MVP Regine Arocha ng all-around game nang kumana ito ng 12- puntos at 15 excellent digs para manduhan ang Lady Chiefs sa 3-0 baraha at masolo ang No. 2 spot. Nagtala sina Carla Donato at Princess Bello ng pinagsamang 18 puntos.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with