Williamson lalaro na
METAIRIE, Louisiana – Matapos ang halos isang buwan na pagrerekober mula sa arthroscopic knee surgery ay maaari nang maglaro si top overall pick Zion Williamson para sa New Orleans Pelicans.
Gagawin ni Williamson ang kanyang inaaba-ngang NBA regular-season debut sa pagsagupa ng Pelicans laban sa Spurs sa San Antonio.
“If ya’ll saw me meditating on the sidelines, it’s been very difficult,” nakatawang wika ni Williamson. “But it’s finally here. I finally get to go back out there.”
Hindi lamang siya ang nasasabik na maglaro kundi maging ang liga at mga basketball fans sa buong mundo.
Ang 6-foot-6 at 285-pound na si Williamson ay naging internet sensation sapul nang iposte ang kanyang video clips na nagpakita ng kanyang mga rim-rattling dunks bilang isang high school player sa Spartanburg, South Carolina.
- Latest