Naturalization ni Kouame sinimulan na ang proseso
MANILA, Philippines — Lumarga na ang proseso para sa pagbuo ng pool ng susunod na naturalized players ng Gilas Pilipinas matapos magsumite ng panukalang batas sa natura-lization ni Ateneo center Angelo Kouame.
Mismong si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) vice-chairman at Antipolo First District re-presentative Robbie Puno ang nagpasa ng House Bill No. 5951 na naglalayong mabigyan ng Philippine citizenship ang 20-anyos na Ivorian.
Si Puno rin ang nanguna sa pag-naturalize sa da-ting mga pambato ng bansa na sina Marcus Douthit at Andray Blatche.
“We marveled at his performance that helped clinch a 16-0 sweep for the Ateneo Blue Eagles in the 82nd Season of the UAAP. Mr. Kouame may have had little knowledge of basketball before he came to our shores, but we cannot deny the immense potential he has shown by now,” ani Puno.
Kagagaling lang ni Kouame sa magandang kampanya sa UAAP Season 82 kung saan nagrehistro siya ng 12.5 puntos, 11.8 rebounds at 2.9 blocks para sa Eagles na ginagabayan ni kasalukuyang Gilas program director Tab Baldwin.
Dahil sa pamumuno ni Kouame ay naisakatuparan ng Katipunan-based squad ang makasaysayang 16-0 sweep para sa kanilang ikatlong sunod na titulo.
Kung sakaling maaprubahan ang naturang mungkahi, magiging bahagi si Kouame ng pool ng naturalized players ng bansa para sa plano nilang magkaroon ng maraming options sa iba’t ibang torneo.
“This pool of players would be valuable to our national team because the team would have more naturalized players to field in the case of injuries,” dagdag ni Puno. “Such a resource would be useful because we would be able to match what we need to win from a roster of naturalized players. The choice would never be just one player. We could have Mr. Kouame and many other promising athletes there, ready to be assigned to a match as needed.”
Nauna nang sinabi ng SBP na taliwas sa mga unang pagkakataon, hindi na lamang isa kundi isang buong pool ang nais nilang inaturalized para mapunan ang iba’t ibang kailangan ng Nationals – mula sa guard, wingman hanggang sentro – depende sa torneong kanilang sasalihan kabilang na ang 2023 FIBA World Cup.
- Latest