^

PM Sports

Sweet Sixth

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Ito ang naka-ambang dagitin ni San Miguel behemoth June Mar Fajardo laban kina TNT KaTropa ace Jayson Castro at NorthPort do-it-all star Christian Standhardinger sa three-way fight para sa PBA Season 44 MVP award.

Balik na llamado sa laban si Fajardo nang ma-deny si Castro ng back-to-back Best Player of the Conference citations.

Kung nakuha ni Castro ang Governors Cup BPC kasunod ng kanyang Commissioner’s Cup top player award, malamang na siya na ang MVP winner.

Pero naunsyami ang back-to-back bid ni Castro nang sumirit si Standhardinger sa kanyang paglipat sa NorthPort kasunod ang kanyang pagkakapanalo ng BPC award sa season-ending Governors Cup.

Bilang BPC winners sa 2019-20 PBA wars, sina Fajardo, Castro at Standhardinger ang automatic na dadaan sa balloting process – ang huling desisyon sa MVP race.

Matamis na ika-anim na MVP award ang kukunin ni Fajardo kung hindi siya talunin nina Castro at Standhardinger sa botohan.

Ngayon pa lang, ang bet kong makasama nina Fajardo, Castro at Standhardinger sa Mythical Five ay sina Japeth Aguilar at Chris Ross.

***

Tindig ang balahibo at naggilid-gilid ang aking mga luha nang makasabay ko sa kalsada pa-Batangas ang maraming mahabang linya ng mga sasak-yan – puno ng relief items para mga kababayan na-ting naapektuhan ng Taal eruption.

Tunay na buhay ang Filipino bayanihan spirit, at marami sa ating mga kababayan na handang dumamay sa oras ng pangangailangan.

Katuwaan din sa akin na makita na malaking parte ng Batangas na patuloy na normal ang takbo ng buhay. Gaya ng lugar sa Lipa City na aking pinuntahan upang ma-witness bilang principal sponsor ang wedding nina Jhon Edward Concepcion at Ledelle de Chavez.

God Bless Batangas! And best wishes to Jhon Edward and Ledelle!

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with