^

PM Sports

Lady Blazers hahatawin ang ikatlong sunod na panalo laban sa Letran Lady Knights

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ikatlong sunod na pa­nalo at ang solo liderato ang pupuntiryahin ng College of Saint Benilde La­dy Blazers sa pagbangga sa Letran Knights sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 women’s volleyball tournament nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang La­dy Blazers at ang Lady Knights sa ganap na alas-12 ng tanghali na susundan ng bakbakan sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College Lady Generals at Mapua University Lady Cardinals sa alas-2 ng ha­pon.

Naiposte ng CSB ang ikalawang sunod nilang pa­nalo noong Biyernes matapos takasan ang Ly­ceum La­dy Pirates sa lo­ob ng limang sets, 23-25, 25-23, 23-25, 25-18, 15-7, para sa makasosyo sa liderato ang Arellano Lady Chiefs.

Binandera ng dala­wang rookies na sina My­cah Go at Gayle Pascual ang Lady Blazers sa tagumpay matapos nilang magposte ng double-digit finish.

Nagtala si Pascual ng 18 puntos at may 17 mar­kers at 17 receptions naman si Go.

Aasahang muli ni head coach Jerry Yee ang dalawa sa laban na ito ka­tuwang ang mga beteranong sina Jade Gentapa, Jewel Lai, Klarisa Ab­riam, Diane Ventura at Kaila Miranda.

Tatargetin din ng Lady Knights na madagit ang ikalawang sunod na panalo sa liga para mas pa­ta­tagin pa ang kanilang pu­westo sa leaderboard ng torneo tangan ang 1-0 baraha.

Gagamiting bentahe ng Letran ang four-set victory kamaikalan kontra sa EAC Lady Gene­rals, 22-25, 25-10, 25-18, 25-13, para sa kanilang unang panalo sa pangu­nguna ni Chamberlaine Cunada kasama sina Julienne Castro, Khryss Mon­teagudo, Daisy Melendres at Charlmagne Sim­borio.

Bubuksan naman ang araw sa tapatang CSB at Letran (juniors) sa alas-8:30 ng uma­ga at sa alas-10 ang CSB at Letran (men’s) at sa alas-3:30 at 5 ng hapon ang junior’s at men’s duel ng EAC at Mapua.

 

vuukle comment

LADY BLAZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with