^

PM Sports

Ginebra kampeon ng PBA Governor’s Cup

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala nang iisiping Game Six ang mga Gin Kings.

Bumalikwas ang Barangay Ginebra mula sa 14-point deficit sa second period para resbakan ang Meralco, 105-93, sa Game Five at angkinin ang korona ng 2019 PBA Governor’s Cup sa harap ng 15,146 fans kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Dumiretso ang Gin Kings sa kanilang ikatlong sunod na panalo para itiklop sa 4-1 ang kanilang best-of-seven championship series ng Bolts.

Humataw si import Justin Brownlee ng 29 points para tulungan ang Ginebra na makopo ang ika-12 kampeonato kasabay ng pagsikwat ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa kanyang pang-22 titulo sa 33 Finals appearances.

Sinaksihan din ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski ang tagumpay ng ‘never-say-die’ team na nagtala ng kabuuang 33 assists.

“I’m just really thankful. Any moment it could have been their game. We really have to dig deep,” sabi ni 6-foot-8 forward Japeth Aguilar, nagtala ng 25 points, 8 rebounds at 4 blocks.

Ipinoste ng Meralco ang 30-19 abante sa pagbubukas ng second quarter bago ito palobohin sa 39-25 sa salaksak ni Allein Maliksi sa 6:05 minuto ng nasabing yugto.

Ngunit isang 15-7 atake ang inilunsad ng Ginebra para makalapit sa halftime, 40-46, bago tuluyang agawin ang 66-60 bentahe buhat sa magkasunod na triples nina LA Tenorio at Joe Devance at floater ni Brownlee sa huling 2:44 minuto ng third period.

Tinapos ng Gin Kings ang nasabing yugto bitbit ang 70-64 abante habang nakatabla naman ang Bolts sa 77-77 sa pamumuno ni three-time PBA Best Import Allen Durham sa 8:46 minuto ng fourth quarter.

Ang magkadikit na 3-point play naman nina Aguilar at Scottie Thompson ang naglayo sa Ginebra sa 99-86 sa huling 2:45 minuto ng labanan.

Ang slam dunk ni Aguilar ang sumelyo sa muling paghahari ng mga Gin Kings sa torneo.

vuukle comment

PBA GOVERNOR’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with