^

PM Sports

PBA players ihahalo sa Phl 3x3 pool

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng idagdag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang ilang PBA players sa bubuuing pool ng bansa para sa paparating na FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament.

Ipinag-utos ito ni SBP president Al Panlilio kay itinalagang Gilas Pilipinas 3x3 head coach Ronnie Magsanoc, dalawang buwan pa bago ang qualifiers ng 2020 Tokyo Olympics sa Marso 18-22 sa India.

Kaagad naman nagsimula sa trabaho si Magsanoc na sinabing nagsisimula na nsiyang mamili ng mga players para sa naturang qualifying tournament na posibleng maging daan ng bansa balik sa basketball ng Summer Games simula noong 1972 Munich edition.

Ipapakilala sa Tokyo Olympics ang sumisikat na 3x3 sport bilang medal event sa unang pagkakataon.

Bagama’t wala pang ibinigay na mga pangalan, maaaring ang mga naglaro rin sa katatapos lang na 30th SEA Games ang idagdag sa naturang pool.

Ito ay sina CJ Perez ng Columbian, Chris Newsome ng Alaska, Mo Tautuaa ng San Miguel at Jason Perkins ng Phoenix.

Papangalanan ni Magsanoc ang mga opisyal na manlalaro pagkatapos na ng 2019 PBA Governors’ Cup finals sa pagitan ng Ginebra at Meralco.

Idadagdag ang mga mapipiling PBA cagers sa pool na inilabas na ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 na siyang nanguna sa 3x3 campaign ng bansa upang makapasok sa OQT.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with