^

PM Sports

Mitchell, McCullough nakisimpatya sa mga apektado ng Taal crisis

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-alay ng suporta si NBA star Donovan Mit-chell para sa Pilipinas sa kasagsagan ng krisis nito dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Bagama’t abala sa kampanya ng Utah Jazz sa 2019-2020 NBA season, nagbigay ng oras ang third year guard upang ipagdasal ang bansa na malapit din sa kanyang puso.

“This is wild. Praying for the Philippines and everyone affected,” ani Mitchell sa kanyang twitter account kalakip ang video ng naturang pagsabog ng taal.

Hindi bago kay Mitchell ang Pinas lalo’t nabisita niya na ito noong 2018 kung kailan papasibol pa lang ang kanyang karera bilang sophomore sa NBA.

Tumungo si Mitchell sa Pinas noon bilang bahagi ng Asian promotional tour ng isang sneaker brand at nagdaos pa rito ng traning camp para sa kabataang Pinoy.

Kinalaunan, nagsilbi rin siyang bahagi ng broadcast panel ng ESPN5 sa laban ng Ginebra at Magnolia sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Nagrerehistro nga-yong taon si Mitchell ng 24.2 puntos, 4.4 rebounds at 4.4 assists para sa Utah na kasalukuyang no. 2 sa Western Conference hawak ang 27-12 kartada.

Teammate rin ni Mitchell ang Filipino-American na si Jordan Clarkson matapos ang trade mula sa Cleveland.

Isa pa sa nagbigay ng suporta sa Pinas ay ang dating San Miguel import at Gilas Pilipinas naturalized player prospect Chris McCullough na kasalukuyang naglalaro sa South Korea.

“Volcano erupted. Y’all stay safe in the Philippines,” saad ng da-ting NBA player mula sa Brooklyn.

vuukle comment

DONOVAN MIT-CHELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with