^

PM Sports

Gilas women tryout dinagsa

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas women tryout dinagsa
Pat Aquino

MANILA, Philippines — Halos 200 Filipina ballers ang nagpakita ng kanilang interes na ma-ging bahagi ng Gilas Pilipinas women sa ginanap na open tryout ng national team kamakalawa sa NU Gym sa Maynila.

Ikinagulat at ikinatuwa ni Gilas women program director at head coach Pat Aquino ang dami ng mga nanganga-rap na basketbolistang Pinay matapos ang magiting na kampanya ng Nationals noong 2019.

“It was amazing. I’m just happy that there’s a lot of girls getting interest with women’s basketball,” ani Aquino nang salubungin nila ang 170 aspirants.

Mula sa mga dumalo, may 10 matatangkad na manlalaro ang nakakuha sa atensyon ni Aquino na maaaring maging bahagi ng hinaharap ng Gilas women.

Isa na rito ang 14-an-yos na si Camille Nolasco mula sa Mirriam College.

Sa tagumpay ng kanilang unang try-out, inanunsyo ni Aquino na magpapatuloy ang training camp sa natitirang bahagi ng Enero. Tuwing Sabado ang try-out para sa mga bagong aplikante sa parehong venue.

Nakalinya na rin ang out-of-town try-outs ng Gilas women kasama ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Enero 25 sa Cebu City at sa LA, California sa susunod na buwan para sa mga posibleng Fil-Foreign prospects.

Ayon sa batikang mentor, bahagi ang hakbang na ito ng kanilang mas malaking misyon na maipagpatuloy ang prog-rama ng Gilas women para sa mas marami pang major tournaments.

“Sana with this outcome. ‘Yung sponsors would continue to support us to continue our prog-ram. Mas gaganda rin ang preparation ng team coming in sa mga paparating na tournaments,” pagtatapos niya.

Kagagaling lang ng Gilas women sa makasaysayang kampanya nitong nakaraang taon na tinuldukan ng double-gold medal win sa inaugural 3x3 at traditional 5-on-5 basketball ng 30th SEA Games.

Lumaban din sila sa Asya sa Women’s Jones Cup, FIBA Women’s Asia Cup at FIBA Asia Pre-Olympic Qualifying Tournament.

vuukle comment

PAT AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with