^

PM Sports

Lamang na ang Ginebra sa 2-1

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpasabog ang mga Gin Kings ng 35 points sa kabuuan ng third period na sumapat  para pabagsakin ng Barangay Ginebra ang Meralco sa Game Three, 92-84, at kunin ang kalamangan sa 2019 PBA Governor’s Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Inangkin ng Gin Kings ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng Bolts, inagaw ang 104-102 panalo sa Game Two noong Biyernes.

“Defense talaga ang naging difference sa game namin,” sabi ni Japeth Aguilar na nagposte ng 23 points, 7 blocks at 5 rebounds.

Itinayo ng Ginebra ang 19-7 kalamangan sa 5:55 minuto ng first quarter kung saan nagkaroon si Meralco center Raymond Almazan ng left knee injury at hindi na nakabalik sa aksyon.

Sa likod ng 20 points ni Chris Newsome ay naagaw ng Bolts ang 42-40 bentahe papasok sa halftime.

Ngunit naghulog ang Gin Kings ng 15-2 bomba sa pangunguna nina import Justin Brownlee at Stanley Pringle para kunin ang 12-point lead, 57-45, sa unang apat na minuto ng third period.

Ang one-hander ni 7-foot-1 Greg Slaughter ang naglayo sa Ginebra ng 23-point advantage, 78-55 sa natitirang 22 segundo ng nasabing yugto.

Napababa naman ito ng Meralco, natalo sa Game One, 87-91, noong Martes, sa 82-87 mula kina Newsome at import Allen Durham sa huling 2:04 minuto ng final canto.

Mula sa triple ni LA Tenorio at basket ni Aguilar ay muling nakalayo ang Gin Kings sa 92-84 sa natitirang 31 segundo ng labanan.

Sa Miyerkules ay posibleng pumagitna sa entablado si June Mar Fajardo ng San Miguel.

Ito ay para sa kanyang inaasahang pagkopo sa Best Player of the Conference trophy ng 2019 PBA Governor’s Cup.

Igagawad ang nasabing individual award sa Game Four ng PBA Governor’s Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco sa Smart Araneta Coliseum. 

vuukle comment

GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with