^

PM Sports

76ers pinadapa ang Celtics; Thunder iniligpit ang Rockets

Pang-masa
76ers pinadapa ang Celtics; Thunder iniligpit ang Rockets

PHILADELPHIA — Tinipon ni head coach Brett Brown ang kanyang tropa sa locker room para patunugin ang postgame victory bell nang makita niya ang telepono ni ge­neral manager Elton Brand.

Nasa FaceTime si star center Joel Embiid na tu­matawag mula sa New York kung saan siya na­ka­takdang sumailalim sa surgery para ayu­sin ang torn ligament.

“We’re going to miss Joel for however long it is,” sabi ni guard Ben Sim­mons. “But tonight was a good start.”

Umiskor si Josh Ri­chardson ng 29 points, ha­bang may 19 markers si Simmons para akayin ang 76ers sa 109-98 paggiba sa Boston Celtics.

Inaasahang hindi ma­kakalaro si Embiid, may mga averages na 23.4 points at 12.3 rebounds sa 31 games ngayong sea­son, ng isa hanggang da­lawang linggo.

Napunit ang radial collateral ligament ni Em­biid sa kanyang ring finger sa panalo ng Philadelphia laban sa Oklaho­ma City noong Lunes.

Pinamunuan ni guard Kemba Walker ang Cel­tics mula sa kanyang 26 points.

Sa Oklahoma City, di­niskaril ng Thunder ang pagbabalik ni Russell Westbrook matapos talu­nin ang Houston Rockets, 113-92.

Nagtala si forward Da­nilo Gallinari ng 23 points at 11 rebounds at may 20 markers si Shai Gilgeous-Alexander para sa Oklahoma City.

Umiskor naman si Westbrook, ang two-time scoring champion habang naglalaro para sa Thunder, ng 34 points para sa Rockets.

Dinala ng Oklahoma City si Westbrook sa Houston kapalit ni Chris Paul at ilang draft picks.

Nalimitahan naman si James Harden sa 17 points, mababa sa kanyang league-best 38.5 points per game, mula sa 5-for-17 fieldgoal shoo­ting.

Sa Minneapolis, ku­ma­mada si Andrew Wiggins ng 23 points at nagtala si Gorgui Dieng ng 12 points at 10 rebounds para sa 116-102 pagdaig ng Minnesota Timberwolves sa Portland Trail Bla­zers.

Binanderahan ni Damian Lillard ang Bla­zers mula sa kanyang 20 points at 13 assists at nagdagdag sina CJ McCollum at Hassan Whiteside ng tig-15 points.

Sa Detroit, kumonek­ta si Kevin Love ng tiebreaking 3-pointer sa hu­ling 37.9 segundo sa overtime at iginiya ang Cleveland Cavaliers sa 115-112 panalo laban sa Pistons.

Tinapos ng Cavaliers ang kanilang five-game losing skid.

Humataw si Tristan Thompson ng 35 points.

vuukle comment

76ERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with