^

PM Sports

Patatagan ng dibdib

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa bandang huli, puntusan pa rin ang mananaig sa larong basketbol.

Kahit anong galing ng isang koponan na dumepensa, kung hindi naman sila makakonekta sa kabilang side ng basketball court ay di rin nila maipapanalo ang laro.

Ito ang pangyayari sa Game One ng Ginebra-Meralco title showdown.

Dahil sa matatag na depensa, sa Meralco ang tempo ng laro sa halos kabuuan ng first three quarters at nanatili silang nasa gitna ng laban hanggang endgame.

Pero dahil hindi nakakonekta sa crunchtime, napunta sa wala ang effort ni Allen Durham at mga kasama nito.

Ani Meralco coach Norman Black, kailangan nilang dalhin sa Lucena sa Game Two ang kanilang sandatang pang-opensa o mababaon sila sa 0-2 hole.

Nabingkong ang ring ng Meralco sa masamang shooting sa endgame ng kanilang 87-91 talo sa Game One.

Sa kabilang banda, kita naman ang poise at steadiness ng Gin Kings kahit pa mabaon ito sa 10-point deficit sa third quarter.

Pero hindi magkakampante ang Gin Kings sa mga susunod na laro dahil nakikita ni coach Tim Cone ang kaparehong uri ng laban sa kabuuan ng serye.

“I honestly feel this is the way it’s going to be every game. It’s going to be a grind-it-out, fight-to-the-end and see who comes out on top in the last couple of minutes,” ani Cone.

Ibig sabihin ay kung sino pa rin ang matatag ang dibdib sa huling parte ng laro.

Mula sa kanilang unang sagupaan noong 2016 ad 2017, Gin Kings ang wagi sa crunctime.

Ito ang dapat gawan ng paraan ng mga Bolts kung tatalunin nila ang Gin Kings.

vuukle comment

NORMAN BLACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with