Howard mananatili sa Lakers
LOS ANGELES – Humiling si Dwight Howard ng isang non-guaranteed contract mula sa Lakers sa pagbabalik niya sa L.A. para ipakita ang halaga sa kanya ng paglalaro sa nasabing prangkisa.
May hanggang ngayong araw na lamang ang Lakers para bitawan ang nasabing veteran’s minimum $2.56 million contract ni Howard. Ngunit ayon sa league sources, itutuloy ng Los Angeles ang nasabing kontrata ni Howard sa kabuuan ng season.
Pinatunayan ni Howard na may lakas pa siyang masasandigan ng Lakers matapos pangunahan ang second unit ng koponan sa center position.
“You got to be able to stand the rain,” sabi ni Howard. “That’s what makes us humans. That’s what makes us.”
Kinuha ng Lakers ang 34-anyos na si Howard bilang ‘contingency plan’ matapos magkaroon si DeMarcus Cousins ng serious knee injury.
“The ability to go through tough times and not allow it to break our character. It’s hard to do. It’s hard to go through hell and be like, ‘OK, just smile it off.’ But you never know how close you are to a breakthrough if you just quit on yourself,” dagdag pa nito.
Nagtala ang 16-year veteran na si Howard ng mga averages na 7.1 points, 6.8 rebounds at 1.4 blocks sa kanyang 19.5 minutes per game.
- Latest