^

PM Sports

SMB-Alab pinalamig ng Macau Wolf Warriors

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanlamig ang Alab Pilipinas kontra sa dayong Macau Wolf Warriors, 93-98 sanhi para mapatid ang mainit na winning streak sa pagbabalik-aksyon ng 2019-2020 ASEAN Basketball League kamakalawa ng gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Matapos ang maalab na laro sa four-game win-streak, nakahanap ng katapat ang Alab nang mamroblema sila sa field goal shooting sa masagwang 26-percent clip lamang tungo sa unang kabiguan nito simula noong season opener.

Laglag sa 4-2 ang baraha ng Alab na suportado ng San Miguel subalit sa kabutihang palad ay solo pa rin sa segunda puwesto sa likod ng Mono Vampire na may 5-1 kartada.

Bagama’t si ABL Player of the Month Nick King lamang ang nakapagpasiklab sa Alab sa kanyang 33 puntos, 12 rebounds at apat na assists, nagkaroon pa rin ng tsansa ang Alab sa dulo ng laro bago tuluyang tumirik.

Swak ang dalawang free throws ni King sa 2:45 mark ng laro para bigyan ng 91-90 abante ang home team subalit tuluyang lumamig buhat noon nang hayaan ang 8-0 ratsada ng Macau para sa 91-98 deficit papasok sa huling minuto ng laro.

‘Di na nakaahon pa ang Alab doon tungo sa masaklap na kabiguan.

Nagkasya lang sa 15 puntos si Khalif Wyatt habang ‘di nakaporma si Sam Deguara sa kanyang tinapos na apat na puntos at pitong rebounds para sa Alab na kulang na suporta.

Samantala, nagliyab naman sa tig-21 puntos sina Doug Herring at Julian Boyd para sa Warriors na umangat sa 3-4.

Tatangka ang Alab na makabawi kontra sa Fubon Braves sa parehong venue ngayon habang asam ng Macau ang ikalawang sunod na panalo kontra sa Formosa Dreamers bukas.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with