Gigil na gigil si Stanley Pringle
MANILA, Philippines — Gigil na si Stanley Pringle na maipakita ang kanyang gilas sa pinakamalaking basketball stage sa una siyang salang sa finals simula bukas sa pagsisimula ng 2019 PBA Governors’ Cup best-of-seven championship series ng Barangay Ginebra at Meralco.
Subalit taliwas sa inaasahan ng marami na siya ang magiging x-factor ng Gin Kings bilang pinakabagong manlalaro ngayong taon, team game ang magpapanalo sa koponan aniya.
“I’m just focused on their guidance and the execution of the team. I’m not really gonna force nothing I can’t do,” wika ni Pringle.
Buhat nang maging no. 1 overall pick ng NorthPort (Globalport) noong 2014, sangkterbang individual awards na ang naipon ni Pringle kabilang na ang Rookie of the Year, All-Star citations, Mythical Team Selections at Scoring Title noong 2018.
Subalit hindi pa kailanman nakapasok si Pringle sa Finals at nakatikim ng kampenato na magkakaroon siya ng tsansa ngayon sa kampo ng Barangay.
Nakuha ng Gin Kings si Pringle mula sa NorthPort noong mid-season kapalit sina Kevin Ferrer, Solomon Mercado at Jervy Cruz.
Bilang sukli sa tiwala ni coach Tim Cone at ng buong Barangay ay nangako ang 32-anyos na beteranong ibubuhos ang lahat para sa koponan na tatangkang makaulit ng panalo sa Meralco matapos ang tagumpay noong 2016 at 2017.
“I’m really excited. Got nothing but love for my teammates and coaching staff for keeping me guided to get there. I’m just excited to play and I’m gonna leave it on the floor,” ani Pringle na nagrerehistro ng 16.9 points, 3.4 rebounds, 4.4 assists at 1.4 steals ngayong season-ending conference. “I put all my thoughts and focus into just, you know, playing the game.”
- Latest