^

PM Sports

Williamson gusto nang lumaro sa New Orleans

Pang-masa
Williamson gusto nang lumaro sa New Orleans
Zion Williamson

DENVER – Kung siya lamang ang masusunod ay gagawin ni star rookie Zion Williamson ang kanyang debut para sa New Orleans Pelicans.

Ito ang sinabi ng No. 1 pick ng 2019 NBA draft bago ang 112-100 pagligpit ng Pelicans sa Nuggets.

Kasalukuyang nagrerekober si Williamson sa kanyang surgery para ayusin ang torn meniscus sa kanan niyang tuhod.

Sinabi ng 19-anyos na power forward na tinuturuan siya ng Pelicans kung paano maglakad at tumakbo sa magkaibang paraan.

Sa nakaraang linggo ay sumabak si Williamson sa individual shooting drills at group drills, ngunit hindi pa pinapasali sa 5-on-5 o maski sa 3-on-3 drills.

Sinabi ni New Orleans executive vice president of basketball operations David Griffin na kailangan ni Williamson na makapasa sa preseason conditioning tests bago siya payagang gawin ang kanyang debut.

Nagposte si Williamson ng mga averages na 23.3 points at 6.5 rebounds sa apat na preseason games para sa Pelicans.

Hindi siya nakita sa final game bunga ng knee soreness kasunod ang pagsailalim sa surgery noong Oktubre 21 isang araw bago buksan ang regular season.

vuukle comment

ZION WILLIAMSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with