^

PM Sports

Clippers nanaig sa Lakers

Pang-masa
Clippers nanaig sa Lakers

LOS ANGELES – Sa ikalawang sunod nilang paghaharap ay muling nanaig ang Clippers laban sa Lakers.

Umiskor si Kawhi Leonard ng 11 sa kanyang 35 points sa fourth period para pamunuan ang Clippers sa 111-106 paggupo sa Lakers sa NBA marquee Christmas game.

Nag-ambag si Montrezl Harrell ng 18 points mula sa bench at may 17 markers si Paul George para sa ikalawang panalo ng Clippers kontra sa Lakers nga-yong season.

Pinamunuan naman ni Kyle Kuzma ang Lakers sa kanyang 25 points.

Kumolekta si LeBron James ng 23 points, 10 assists at 9 rebounds habang may 24 markers si Anthony David sa ikaapat na sunod na kamalasan ng Lakers.

Sa Philadelphia, nagsumite si Joel Embiid ng 31 points at 11 boards sa unang Christmas game ng 76ers sa 31 taon para pabagsakin ang Milwaukee Bucks, 121-109.

Kumonekta si Tobias Harris ng limang triples at may tig-apat sina Josh Richardson at Furkan Korkmaz at tatlo si Embiid para sa franchise record-tying na 21 triples ng Philadephia.

Humataw naman si Khris Middleton ng 31 points para sa Milwaukee, nakahugot kay Giannis Anteto-kounmpo ng 18 points at 14 rebounds.

Sa Toronto, nagpasabog si Jaylen Brown ng 30 points at nag-ambag ng 22 markers si Kemba Walker para igiya ang Boston Celtics sa 118-102 panalo kontra sa Raptors.

Naglista si Kyle Lowry ng 14 points kasunod ang 12 markers ni Serge Ibaka sa panig ng Toronto.

Sa San Francisco, humugot si Draymond Green ng 16 sa kanyang 20 points sa second half at nagdag-dag si Damion Lee ng 22 points at career-high 15 rebounds para sa 116-104 pananaig ng Golden State Warriors kontra sa Houston Rockets.

Tumipa ng 20 markers si D’Angelo Russell kasunod ang 18 points ni Glenn Robinson III para sa ikatlong sunod na pananalasa ng Warriors.

vuukle comment

KAWHI LEONARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with