Clarkson ibinigay ng Cavaliers sa Jazz kapalit ni Exum at 2 draft picks
CLEVELAND – Dinala ng Cavaliers si Fil-Ame-rican scoring guard Jordan Clarkson sa Utah Jazz kapalit ni guard Dante Exum at ang 2022 at 2023 second-round draft picks.
Si Clarkson, nauna nang naglaro para sa Gilas Pilipinas noong 2018 Asian Games, ay nasa kanyang ikatlong season para sa Cavaliers.
Nagsalansan si Clarkson ng mga averages na 14.6 points, 2.4 rebounds at 2.4 assists sa 29 games para sa Cavaliers ngayong season.
Inaasahang mapapakinabangan nang husto ng Utah ang 27-anyos na Fil-Am scoring guard.
Si Exum ay ang No. 5 overall pick ng Jazz noong 2014 draft at mayroon lamang mga averages na 2.2 points at 7.5 minutes sa season.
- Latest