^

PM Sports

NU cagebelles nagbida sa SEAG

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa sa mga gumawa ng ingay para sa Philippine basketball scene ngayong taon ang pagragasa ng Women’s basketball sa bansa.

Pasabog para sa taong 2019 ang ipinamalas nina National Women’s basketball team players at National University Lady Bulldogs Afril Bernardino, , Jack Danielle Animam, Ria Joy Nabalan Andrea Jose Marizze at Kelli Casey Hayes.

Bahagi ang limang players sa naging tagumpay ng national squad sa nakaraang 30th Southeast Asian Games nang masungkit ng koponan ang kauna-unahang gintong medalya sa Women’s basketball.

Matatandaan na pinataob ng National team, sa pamumuno ni National head coach at NU Lady Bulldogs mentor Pat Aquino, ang bansang Thailand sa score na 91-71 upang makamit ang makasaysayang kampeo-nato sa biennial meet.

Bukod rito, tinutulungan din ni Animam at Bernardino ang National 3x3 Women’s basketball team upang maibagahe ang ginto sa 3x3 event ng SEA Games.

Sa collegiate level, tuloy rin ang pagrereyna ng Lady Bulldogs sa UAAP Season 82 matapos maiuwi ang kanilang 6-peat championship at malinis na record na 96 winning streak.

Noong Season 77, pinangunahan ni Three-time MVP Bernardino ang kampo ng National University para makuha ang kanilang unang UAAP championship title.

Ilang beses naring nairepresenta ni Bernardino ang bansa sa international events katulad na lang ng 2015 FIBA Asia Women’s Championship, 2015 Southeast Asian Games, 2016 SEABA Championship at 2018 FIBA 3x3 World Cup.

Tinuluy-tuloy naman nina Animam, na isa ring national team mainstay, ang winning streak ng koponan para madepensahan ang kanilang korona sa torneo ngayong taon.

At sa katatapos lang na SEA Games, ipinakita ng mga ito na kaya ring makipagsabayan ng Women’s basketball sa bansa. Ipinamalas ngayong taon ng National University Lady Bulldogs at National team players na may ibubuga ring galing at tikas ang koponan sa larangan ng basketball. (PJCarpio)

vuukle comment

SEAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with