^

PM Sports

Marikina host ng 2020 Palaro

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napili ang Marikina City bilang bagong host ng 2020 Palarong Pambansa kapalit ang original host na Occidental Mindoro ayon sa Department of Education.

Sa pangunguna ni undersecretary at Palarong Pambansa secretary general Atty. Revsee Escobedo, inanunsyo ng kagawaran ang desisyon kamakalawa.

Nagpadala na rin ang DepEd ng Palaro management team sa parehong araw upang suriin ang sports facilities na gaganapin sa “Shoe Capital of the Philippines”.

Humingi na rin ng request ang Kagawaran sa siyudad na magbigay ng listahan ng mga playing at billeting venues, limang buwan pa bago ang taunang patimpalak na gaganapin sa Abril o Mayo.

Ayon sa mga ulat, napilitang umatras ang Mindoro matapos itong bayuhin ng Bagyong Tisoy ngayong buwan.

Aabot sa hanggang P800 milyon ang natamong pinsala ng probinsya sa sector ng agrikultura at pa-ngingisda ayon kay Occidental Mindoro PDRRMO OIC Mario Mulingbayan.

Ang Marikina City na ang ikaapat na siyudad na magiging host ng Palarong Pambansa sa NCR matapos ang Maynila, Quezon City at Pasig City.

Higit 12,000 atleta, coaches at opisyal ang inaasahang dadayo sa Marikina City mula sa 17 rehiyon ng bansa para sa Palarong Pambansa sa pagitan ng mga pinakamagagaling na elementary at high schools.

Davao City ang huling nagsilbing host ng Palaro at NCR kabilang na ang Marikina City ang muling naghari sa ika-15 sunod na taon. Pumangalawa at pumangatlo naman ang CALABARZON at Western Visayas, ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

MARIKINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with