^

PM Sports

Tolentino hihikayatin ang Vietnam na isama ang arnis, dancesports at obstacle course sa 2021 SEAG

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dadalasan ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbisita sa Vietnam si­mula sa susunod na taon upang ligawan ang bansa para maidagdag ang ibang sports na llamado ang Pilipinas sa 2021 Southeast Asian Games.

Kung maaari at kung ito ang kailangan para mapapayag ang Vietnam ay linggo-linggo ang ma­giging pagdayo ni Tolen­tino sa Hanoi para sa mis­yong mapanatili ang ta­gumpay ng bansa sa SEA Games.

“Next year, every week pupunta na akong Viet­nam para manligaw to appeal na please inclu­ded naman (iyong sports natin) kahit 3, 2 or 1 sport lang,” ani Tolentino sa gi­nanap na POC General Assembly isang linggo ma­tapos ang 30th SEA Games.

Naghayag ang Vietnam na 36 sports ang na­sa program nila para sa 2021 edisyon ng biennial meet.

Una dito ang mga man­datory sports na ath­letics at swimming na nasa Category 1 habang swak din ang mga Olympic at Asian Games sports katulad ng basketball, volleyball, football, weightlifting, tennis, bad­minton, gymnastics at iba pa sa Category 2.

Kasali rin ang native Vietnamese sports na vo­vinam, finswimming at ang esports.

Idudulog ni Tolenti­no na maisali ang arnis, dancesports at obstacle course racing na siyang dinomina ng Pinas sa nakaraang SEA Games.

Humakot ang bansa ng 14 ginto sa arnis, 10 sa dancesports at 6 sa OCR na malaking baha­gi ng overall championship ng Pilipinas sa unang pagka­kataon matapos noong 2005 na pinama­ha­laan din ng bansa.

 

 

vuukle comment

VIETNAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with