^

PM Sports

Iloilo wagi sa Rizal; Bacolod binigo ang Bicol

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inako ni Jerson Prado ang trabaho sa pag-iskor sa fourth quarter para igupo ng Iloilo United Royals ang Rizal Golden Coolers, 71-65 kamakalawa sa Chooks to Go-Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa Imus Sports Complex.

Iniskor ng 6-foot-5 na si Prado, da­ting team captain ng UP Fighting Maroons, ang unang 10 points ng Iloilo sa decisive pe­riod na sapat na para sa ika­anim na pa­nalo ng Royals, 66-65.

Ngunit umiskor pa ng tres si former pro player Al Francis Tamsi ng triple at nagdagdag si Richard Escoto ng da­lawang free throws para sa final score na nag-angat sa Royals sa 15-8 para ma­katabla ang Basilan Steel sa fourth place ng South division.

Tumapos si Tamsi ng 16 points kasunod si Prado na may 12 points at 7 rebounds habang si Escoto ay may 10.

Ang Golden Coolers na lumamang pa sa 63-62 matapos ang eight-point cluster ay bumagsak sa 4-17 ng North division.

Hindi pinaiskor ng Bacolod Master’s Sardines ang Bicol Volcanoes sa overtime patungo sa 76-72 panalo sa second game.

Pinaiskor ng Bacolod si Chris Lalata bago patahimikin ang Bicol para sa ka­nilang ikalawang sunod na panalo at umangat sa 8-15 sa South division.

Naputol ang five-game win run ng Vol­canoes at bumagsak sa 13-12.

Pinangunahan ni Ralph Tansingco ang Bacolod na may 15 points bukod pa sa 5 rebounds kasunod si Ben Adamos na may 11 poiunts habang sina Jess Mar Villahermosa, Jopher Custodio at Yankee Haruna ay may tig-10 points.

Sa kanilang ikalawang laro sa loob ng tatlong araw lamang ay iniwanan ng Imus Bandera ang Navotas-Uni-Pak Sardines sa kaagahan ng third quarter para dumiretso sa kanilang ikaanim na panalo sa 26 laro.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with