^

PM Sports

Basilan, Biñan lusot sa mga nakalaban

Pang-masa

MANILA, Philippines — Natakasan ng Basilan at Biñan ang mahigpit na hamon ng mga nakalaban sa pagpapatuloy ng Mahar-lika Pilipinas Basketball League Lakan Season ka­makalawa sa Sta. Rosa Sports Stadium sa Laguna.

Iniligtas ni Dennis Daa ang Basilan Steel sa pa­mamagitan ng kanyang buzzer-beating jumper upang takasan ang Saran­ga­ni Province, 85-82.

Ito ang kanilang ika-anim na sunod na panalo upang umakyat sa solo fourth place sa sou­thern division ng 31-team league na suportado na nga­yon ng Chooks To Go.

May pagkakataon ang Marlins na dalhin sa overtime ang laro ngunit ang des­peration shot ni Jorem Morada ay hindi pumasok.

Tumapos si Daa ng 15 points at 9 rebounds sa likod ng double-double ni Cris Dumapig na may 15 points at 18 rebounds na nag-angat sa Basilan sa 15-8 sa likod ng Da­vao Occidental (19-3), Ba­coor (18-5) at General Santos (15-7).

Pinigilan naman ng Biñan City Luxxe White Krah ang malaking rally ng Imus Bandera para sa 88-83 panalo.

Dumikit ang Bandera sa 75-77 ngunit umiskor ng magkasunod na tres sina Jayjay Helterbrand at  artistang si Gerald Anderson para ilayo ang Biñan.

vuukle comment

BASILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with