^

PM Sports

Pang-10 na ng Blu Girls

Russell Cadayona - Pang-masa
Pang-10 na ng Blu Girls

CLARK, Philippines — Sa ika-10 sunod na pagkakataon ay muling dinomina ng Phi-lippine Blu Girls ang wo-men’s softball competition.

Minasaker ng Blu Girls ang Indonesia, 8-0 para kumpletuhin ang pagkopo sa gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games kahapon dito sa The Villages.

Sapul noong 2001 SEA Games ay hindi na naalis sa ulo ng mga Blu Girls ang women’s softball crown.

Nauna nang winalis ng mga Pinay clouters ang lahat ng kanilang limang asignatura sa preliminary round.

Blinangka ng Blu Girls ang Malaysia, 12-0 habang tinalo ng Indonesia ang mga Malaysians, 5-1, sa page system playoff para itakda ang kanilang championship game.

Sa gold medal round ay inihataw ng Nationals ang lahat ng kanilang walong runs sa second inning na tuluyan nang nagpabagsak sa mga Indonesians.

Nabigo naman ang Blu Boys na maduplika ang pagrereyna ng Blu Girls nang makuntento sa silver medal makaraang makalasap ng 1-6 kabiguan sa Singapore sa kanilang final round match.

vuukle comment

BLU GIRLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with